Ika nga sa isang kanta, money can’t buy us happiness. Napatunayan ‘yan nang ma-reject ang wedding proposal ng isang Chinese man matapos niyang subukang mapa-oo ang isang babae gamit ang kaniyang kayamanan.
Kung paano nga ba nag-propose ang nagwala na lalaki, eto.
Pinagkagastusan at pinaghandaang maigi ng isang hindi pinangalanang lalaki ang isinagawa niyang wedding proposal sa Wanda Plaza Shopping Complex na matatagpuan sa Changsha, Hunan Province para sa isang babae.
Bukod sa mga lobo at bouquet of roses na madalas ginagawang props sa mga wedding proposal, bumili pa ng mamahaling sports car ang lalaki dahil paborito umano ito ng babae.
Sa isang viral video, makikita ang napakaraming tao na nakapaligid at naghihintay na masaksihan ang isa sanang happy ending.
Pero ang babae, ginulat ang lahat nang tumanggi ito sa kabila ng magarbong efforts ng lalaki.
Habang sinusubukan ng lalaki na baguhin ang isip ng babae, sumingit pa ang isa sa mga kaibigan nito at ginamit pang suhol ang magarang sasakyan.
Dahil sa depserasyon na kumbinsihin ang babae, iniyabang na nito na marami siyang pera at kayang-kaya umano niyang bilhan ito ng mas marami pang sasakyan.
Sa inis ng babae, sinabi nito na wala siyang pakialam sa pera ng lalaki bago nag-walkout.
Ang isa sanang romantic na eksena, nauwi sa pagta-tantrums ng lalaki. dahil hindi matanggap ang rejection, ibinaling nito ang inis sa mga taong nanonood at ibinato pa ang malaking bouquet sa babaeng nagvi-video sa kaniya.
Pinagsisipa rin nito ang mga naka-display na paninda sa nasabing pamilihan habang pilit na inaawat ng mga kaibigan na tumulong sa kaniya sa proposal.
Samantala, ilang commentators naman ang sumangayon sa ginawang pangre-reject ng babae, habang naniniwala naman ang iba na acting lang ang wedding proposal.
Sa mga babae diyan, wag magpapasilaw sa mga materyal na bagay na kayang ibigay ng isang lalaki. tandaan, future mo ang pinag-uusapan dito. no refund, no exchange.