Bukod sa paninigurado na malinis ang mga kinakain mo, siguraduhin mo rin na malinis ang pinaglalagyan mo ng mga pagkain. Ang lalaki kasing ito, nagkaroon ng problema sa kalusugan dahil sa thermos nito na sampung taon na niyang ginagamit.
Kung paano nakaapekto ang thermos na ito, eto.
Isang hindi tukoy na lalaki mula sa Taiwan ang binawian ng buhay dahil umano sa ginagamit niyang lumang thermos, o ‘yung tumbler na may kakayahang panatilihin ang temperatura ng inumin na ilalagay dito.
Pero ayon sa reports, bago pumanaw ang lalaki ay nakaranas na ito ng problema sa kaniyang kalusugan dahil umano sa heavy metal poisoning.
Nang magsagawa ng imbestigasyon ang mga doktor, napag-alaman na gumagamit pala ang lalaki ng iisang thermos sa loob na ng sampung taon.
Nang suriin ang thermos, nadiskubre na kinakalawang na pala ang loob nito.
Bagama’t batid nito na kinakalawang na ang luma niyang thermos, nagpatuloy pa rin ang lalaki sa paglalagay ng kape, tea, at juice rito.
Ayon sa mga doktor, maaaring pumasok at na-absorb ng katawan ng lalaki ang toxins mula sa carbonated drinks na inilalagay nito sa thermos.
Sa kasamaang palad, labis nitong naapektuhan ang immune system ng lalaki bago pumanaw dahil sa pneumonia.
Nagpaalala naman ang mga eskperto na siguraduhing araw-araw nalilinisan ang ginagamit na thermos. Mainam din na alamin muna kung ang bibilhin mo bang thermos ay 304 stainless steel at palitan ito sa kada dalawa o tatlong taon.
Usong-uso pa man din ang mga tumbler ngayon! Sa mga gumagamit ng thermos diyan, sigurado ba kayo na stainless steel ang materyal niyan?