Nag-imbitá si Senate President Pro Tempore at mabalik na Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson ng isang “napakahalagang testigo” sa susunod na pagdinig ng komite hinggil sa maanomalyang flood control projects sa Nobyembre 14.
Naniniwala si Senador Lacson na ang pag-imbita sa hindi pinangalanang testigo ay makatutulong sa pagpapalibilis ng pagsasampa ng matibay na kaso laban sa ilang politiko, Department of Public Works and Highways officials, at contractors.
Bukod dito, iimbitahan din sa nasabing pagdinig si retired Technical Sergeant Orly Guteza upang mas bigyang-linaw pa ang sinumpaang salaysay nito na kanyang binasa noong siya ay huling dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre a-bente singko.
Inaasahang isasagawa ang Blue Ribbon Committee chairman reelection ni Sen. Lacson sa Nobyembre 10.—sa panulat ni John Riz Calata




