Bumuo na ng komite ang Department of Agriculture (DA) na tututok sa imbestigasyon sa ipinupukol na alegasyon na mayroon umanong nangyayaring katiwalaan sa importasyon ng baboy sa loob ng kagawaran.
Ito ay ayon kay Agriculture Secretary William Dar makaraang isiwalat ni Senador Panfilo Lacson na may kumokolekta ng “tongpats” mula sa loob ng DA sa mga inaangkat na baboy.
Let me mention, agad-agad, na nagtalaga na ako ng isang komite to investigate the allegations of corruptions in pork importation. On going na ‘yung investigation,” ani Dar.
Ani Dar, kulang na ang suplay ng karne sa bansa kaya’t kinakailangang umangkat nito mula sa ibang bansa.
Binalaan din ng kalihim ang lahat ng mga kawani ng DA at kaagad aniya nitong irerekomenda ang pagdi-dismiss sa sinumang mapatutunayang sangkot sa naturang raket.
I’m warning everyone, kawani ng DA ,na gumagawa ng ganitong, kung may kalokohan, pag napatunayan, ire-recommend ko ang dismissal nila dito sa serbisyo,” ani Dar. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais
Magugunitang ibinunyag din ni Lacson na may kumokolekta ng “tongpats” mula sa loob ng DA ng P5 hanggang P7 sa bawat kilo ng inaangkat na baboy.