Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Kilos protesta sa US nauwi sa sakitan

by DWIZ 882 December 14, 2020 0 comment
donald trump

4 katao ang nasaksak at 1 ang nabaril matapos mauwi sa kaguluhan ang ikinasang kilos protesta bilang pagsuporta kay outgoing US Presidente Donald Trump sa ilang malalaking siyudad sa Amerika.

Batay sa ulat ng Washington State Police, naganap ang  pamamaril malapit sa capitol building sa Olympia matapos magkasagupa ang mga raliyista at counter-protesters.

Kasalukuyan na anilang nakakulong ang salarin habang patuloy namang ginagamot ang biktima sa shooting incident.

Samantala, nagtamo naman ng seryosong pinsala sa katawan at ginagamot sa ospital ang 4 na biktima ng pananaksak sa kilos protesta sa bahagi rin ng Washington D.C.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment