Dinudumog ng daan-daang katao ang sikat na bilihan ng hamon sa Quiapo, Maynila.
Ilang araw bago magpasko, dumami ang mga parokyanong mula sa iba’t ibang lugar para pumila at bumili ng hamon upang ihanda sa darating na kapaskuhan.
Pumila ng maaga ang mga mamimili dahil nagkakaubusan na ang mga ito.
Matatandaang patuloy parin ang pagtaas ng preyo sa karneng baboy pero hindi umano nagtaas ang presyo ng hamon sa naturang tindahan.
Ang hamon ay isa sa tradisyonal na inihahain sa noche buena ng maraming pamilyang pilipino kaya kahit nasa gitna ng pandemya ay mas pinili nilang maging masaya ang selebrasyon ng pasko. —sa panulat ni Mara Valle