Sinampahan ng DOJ o Department of Justice ng panibagong kasong “conspiracy to commit illegal drug trading” ang negosyanteng si Peter Lim.
Kasama ring kinasuhan ng DOJ sa Makati City RTC ng dalawang counts ng paglabag sa Section 26 (b) ng Republic Act 9165 sina Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindingan.
Nakitaan ng panibagong panel of prosecutors ng DOJ ng probable cause o sapat na batayan ang kaso kaugnay sa pakikipagsabwatan ni Lim kay Espinosa para sa illegal drug trade.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, naging batayan nila sa isinampang kaso ang pag-amin ni Espinosa sa senate hearing na kasabwat niya sina Marcelo Adorco at iba pang respondent sa kanilang illegal drug trade.
Sinabi noon ni Espinosa na si alyas “Jaguar” ang supplier niya ng droga sa Visayas.