Pumapalo na sa dalawampu’t pitong libo (27,000) ang naitalang kaso ng tigdas sa unang tatlong buwan ng taong ito.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang nasabing bilang ay mahigit limang beses na mas mataas sa naitalang measles cases sa parehong panahon noong isang taon.
Batay sa record ng DOH Epidemiology Bureau, nasa halos dalawampu’t pitong libo (27,000) ang kaso ng tigdas mula Enero hanggang Marso at halos apat na raan (400) mula rito ay nasawi.
Halos anim napung (60) porysento ng biktima ng tigdas sa taong ito ay pawang kabataan na hindi nabakunahan.
Kasunod na rin ito nang pagbagsak ng measles immunization ng 40 percent matapos ang pangambang idinulot ng Dengvaxia.
Tuluy-tuloy naman hanggang sa April 8 ang measles vaccination campaign ng DOH sa mga paaralan.
—-