Bahagyang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, umakyat sa 74 ang daily average ng mga bagong kaso ng virus na naitala mula May 23 hanggang 29 kumpara sa 72 na naitala noong May 16 hanggang 22.
Tumaas aniya sa 1.4% ang positivity rate, habang nasa 1.08 ang reproduction number na naitala sa NCR.
Iniulat rin ng OCTA na nasa 23% ang healthcare utilization ng rehiyon ngunit nasa ”very low” category pa rin ito.
Sa kabila nito, sinabi ni David na nananatiling low risk sa COVID-19 ang Metro Manila.
Nitong linggo nang makapagtala ang Pilipinas ng 200 kaso ng COVID-19 infections at 2,434 active cases.