Nadagdagan ng limang Pilipinong nasa bahagi ng Middle East at Africa ang bilang ng mga nakitil ng Coronavirus Disease 2019 abroad, dahilan upang sumipa sa 1,038 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw ng linggo, ika-7 ng Marso.
Samantala, 10 naman ang nadagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa na nagresulta upang umangat sa 15,089 ang buong bilang ng lahat ng natamaan ng naturang virus.
Mula sa mga bilang na ito, 4,525 ang bilang ng mga patuloy na nagpapagaling habang 9,526 naman ang gumaling na.—sa panulat ni Agustina Nolasco
07 March 2021
The DFA received a lone report confirming 10 new COVID-19 cases and 5 new fatalities among Filipinos in…
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Sunday, 7 March 2021