Walang balak ang Kamara na ipatigil ang Excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ito’y kasunod ng inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa pagpapasabog ng dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia.
Paliwanag ni House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda, mayroong itinakda ang batas kung kailan lamang maaaring suspendihin ang pagpapataw ng buwis sa langis.
Sa ilalim aniya ng Train Law 1, ihihinto lang ang pagpapataw ng Excise tax sa langis kung aabot ng 80 dolyar ang kada bariles ng Dubai Crude Oil batay sa Mean of Platts Singapore.
Magiging posible lamang umano ang pagpapahinto sa pagpapataw ng Excise tax sa petrolyo kung aamyendahan ang kasalukuyang batas.