Target ni House Speaker Martin Romualdez, na tiyakin sa gobyerno ang kanilang kahandaan sa “The Big One” O malakas na lindol na posibleng maitala sa pilipinas gaya nang nangyari sa Turkey at Syria.
Ayon kay Romualdez, dapat maging handa ang bansa lalo na ang mga first responders sakaling tumama ang malakas na lindol partikular na sa Metro Manila na isa sa may pinaka maraming fault line sa Pilipinas.
Sinabi ni Speaker Romualdez, na maaaring pumalo sa libu-libong katao ang magiging biktima kung hindi magiging handa ang mga Pilipino.
Matatandaang sa naging pahayag ni Turkey Ambassador Niyazi Aykol, sinabi niya na mahigit 20 taon na nilang alam na tatama ang malakas na lindol sa kanilang bansa, pero hindi umano nila inakala na malaki ang magiging epekto nito.
Iginiit ni Romualdez na mahalagang malaman ng publiko lalo na ng mga disaster agencies at first responder units kung gaano kalakas o kalaki ang posibleng maging epekto ng posibleng malakas na lindol sa bansa para agad na makapaglatag ng mga hakbang at mapanatiling ligtas ang mga Pilipino.