Makakapagtanim na ng marami ang mga magsasaka.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, ito’y dahil sa pagbabalik ng Kadiwa stores na magpapalawak ng kanilang ‘market’.
Sa isang forum, sinabi ni Marcos na ang Kadiwa scheme na sinimulan ng kanilang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay makatutulong upang madala sa mga consumers ang mga produkto mula naman sa Food Terminal, Inc. o FTI sa Taguig City.
Sinabi pa ng senador na patuloy na gagawa ng paraan ang gobyerno upang maramdaman ng mga mamimili ang pagluwag ng presyo ng mga produkto.