Pinag-iinhibit ni Senador Leila de Lima ang hukom na humahawak ng kanyang kasong illegal drug trading.
Inihain ni De Lima ang kanyang mosyon sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kanyang kaso sa court room ng New Bilibid Prison (NBP).
Sa kanyang mosyon, sinabi ni De Lima na dapat mag-inhibit si Judge Lorna Navarro-Domingo sa paghawak ng kanyang kaso dahil nagpakita ito ng bias, pagkiling at tila paghatol na sa kanyang depensa.
Tinukoy ni De Lima sa kanyang mosyon ang maagang pagbasura ni Navarro-Domingo sa kanyang mosyon na i-disqualify ang mga testigong bilanggo gayung ang hukom mismo ang nagbigay sa kanya ng limang araw para sagutin ang pagtutol ng prosecution sa kanyang mosyon.
—-