Lumarga na ang kauna-unahang joint maritime exercises ng China at Association of Southeast Asian o ASEAN upang mapahupa ang tensyon sa South China Sea.
Walong barkong pandigma ang ipinadala ng Tsina kasama ang nasa 1,200 sundalo habang nagpadala ng kani-kanilang warship ang Singapore, na co-organiser ng event, Pilipinas, Brunei, Thailand at Vietnam.
Nagpadala naman ng observer ang Cambodia, Indonesia, Malaysia at Myanmar.
Kabilang sa aktibidad na tatagal nang isang linggo ang joint search and rescue operation at communication exercises while in formation.
—-