Muling umapela ang mga grupong pangtransportasyon sa pamahalaan na bawiin ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo at pagbigyan ang hirit nilang 12 pesos na umento sa pasahe sa jeepney.
Ito’y ayon sa grupong Stop and Go Coalition ay dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na nasa ika-9 sunod na linggo na sa darating na Martes.
Kasunod nito, hiniling din ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspindehin ang ipinatutupad na jeepney modernization program sa paniniwalang wala itong maitutulong sa kasalukuyang paghihirap ng mga nasa sektor ng transportasyon.
Giit ng grupo, hindi na kakayanin ng mga operator at tsuper ang 800 piso kada araw na panghulog sa bibilhing modernong jeepney dahil napupunta lamang sa krudo at kung minsa’y kapos pa ang kanilang kinikita dahil sa boundery.