Itinuturing na bilang stage 4 cancer ang isyu ng korapsyon sa Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, inilarawan ni Volunteers Against Crime and Corruption President Mr. Boy Evangelista bilang isang grand conspiracy ang ma-anomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng iba’t ibang sektor kaya’t dapat lamang anyang mapanagot ang lahat ng nadadawit dito.
Kinilala rin ni Evangelista ang mahirap na imbestigasyon sa isyu kung walang patunay kaya’t hinihimok niya si Public Works Secretary Manuel Bonoan na maging whistleblower sa nasabing kaso.
Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng VACC ang pagbubuo ng isang independent commission o fact-finding body na mamumuno sa pag-iimbestiga sa flood control project at i-isolate ang mga miyembro ng Kongreso at Senado lalo’t ilan sa kanila’y nadadawit din sa maanomalyang proyekto.