Nakatutuwang pakinggan na sa makabagong panahon, unti-unti nang nagiging inclusive ang publiko, hindi lang sa kasarian, kundi pati na rin sa kondisyon ng kalusugan ng mga tao. Sa Japan kasi, mayroong restaurant na nagha-hire ng mga taong mayroong dementia. Take note, hindi lang ito isa sa requirements, kundi ito mismo ang main qualification sa mga aplikante.
Kung saan matatagpuan ang kakaibang restaurant na ito, eto.
Tila in-apply ng Japanese TV director na si Shiro Oguni ang kaniyang creativity sa pagco-conceptualize ng kaniyang food business na the Restaurant of Mistaken Orders.
Kung bakit ganoon ang pangalan ng naturang kainan? Ito ay dahil nais ni Oguni na ibahin ang pananaw ng mga tao sa pagtanda at progressive cognitive impairment o ang mabagal na paghina ng memorya ng isang tao.
Kung paano niya ito ginagawa? Nagha-hire ang restaurant ng mga aplikante na mayroong dementia. Take note, ito pa mismo ang primary qualification para sa posisyon ng mga waiter.
Unang naisip ng direktor ang kakaibang ideya na ito nang bumisita siya sa isang nursing home kung saan maling pagkain ang sinerve sa kaniya.
Kadalasan ay kinaiinisan ng mga costumer ang ganitong uri ng tagpo, pero si Oguni, tinanggap na lang ang inihain sa kaniya na pagkain bilang respeto sa pinagdadaanan ng mga tao dahil batid niya na magkakaiba ng kakayahan ang bawat tao, lalo na at hindi naman siya napahamak sa nagawang pagkakamali ng server.
Bagama’t nagkakamali ang mga servers sa mga inihahain nilang mga pagkain, maraming customers ang nagsabi na na-enjoy nila ang mga in-order nila at sinabi pa na masaya at naging komportable sila sa naging experience sa restaurant.
Sa pamamagitan ng proyekto na ito, nagkakaroon ng ibang imahe ang mga taong diagnosed ng dementia at nakikita hindi lang para sa kanilang kalagayan kundi bilang masiyahin, masipag, at matulunging mga indibidwal.
Ikaw, bibisita ka rin ba sa restaurant of mistaken orders kung mabibigyan ka ng pagkakataon?