The tables have turned. Kung noon mga kriminal lang ang ipinahuhuli at ipinapapatay, ibahin niyo ang kaso na ito dahil isang police dog ang tinutugis ng mga kriminal dahil sa galing nito na makaamoy ng mga iligal na droga.
Kung ano ang hakbang na ginawa ng mga kriminal, eto.
Mahusay sa kaniyang trabaho bilang drug sniffer ang German Shepherd na si Sombra mula sa Colombia.
Sa katunayan, sa sobrang husay nito sa kaniyang trabaho, gusto itong ipa-dakip at ipapatay ng mga drug smugglers dahil umabot na ng 200 ang nahuli at tone-toneladang mga iligal na droga na ang nakumpiska dahil sa kaniya.
Ang aso, tila isang most wanted criminal dahil ang mga criminal organizations, nag-alok pa ng pabuya na $70,000 o mahigit 3 million pesos sa kagustuhan na dispatsahin ito.
Ayon sa isang pulis, nakakasagabal umano si Sombra sa transaksyon ng mga kriminal para mag-alok ang mga ito ng malaking halaga ng pera para ipapatay.
Dahil sa mga natatanggap nitong death threats, inilipat si Sombra sa Bogota International Airport mula sa pagdu-duty nito sa Atlantic Coast Ports kung saan madalas ipinadadala ang mga produkto ng isang drug gang.
Samantala, bukod sa nagdestino sa mas ligtas na lugar ang police dog, mayroon an rin itong sariling security guards para higit pang protektahan mula sa mga nagtatangka sa buhay nito nang dahil lang ginampanan nito ang kaniyang trabaho.
Sa may mga binabalak na masama diyan, itigil niyo na ang mga iligal na transaksyon niyo at baka maisahan pa kayo ng isang aso.