Isa na namang kaso ng hate crimes ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Amerika.
Ayon sa DFA, isang 74- anyos na Pinay ang sinaktan ng hindi nakikilalang Black Woman noong August 24 habang ito ay naglalakad sa Midtown, Manhattan.
Sinuntok ng babae ang Pinay sabay tumakas sa hindi malamang direksyon.
Agad namang inabisuhan ng DFA ang mga Pinoy sa New York na maging mapagbantay sa lahat ng oras lalo na kapag naglalakad sa lansangan o sa mga subway.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 43 kaso ng hate crimes ang naitala sa New York na karamihan ay naganap sa Manhattan at Queens.