Inihayag ng ang isang obispo sa mga mananampalatayang Pilipino na tanggapin at irespeto ang boses ng mga tao sa katatapos pa lamang na National and Local Elections.
Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat isantabi ang hindi pagkakaunawaan at magkaisa para sa bayan.
Dagdag pa ng Obispo na nagsilbi bilamng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Central Luzon Reional Representative na matapos ang Halalan na kailangan irespeto ng mga pilipinong botante ang boses at napili ng nakakarami.
Samantala, nagpasalamat naman si Santos sa lahat ng PPCRV volunteers sa diocese of balanga sa kanilang pasensya at pagsusumikap para matiyak na maayos ang Halalan 2022.