Patuloy na isinusulong ng ang probinsyano party-list ang infrastructure development upang mabilis na makaahon sa COVID-19 pandemic.
Naniniwala ang partido na magdudulot ito ng market activities na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Noong nakalipas na linggo nang pangunahan ni ang Probinsyano Party-List Rep. Edward Delos Santos ang groundbreaking ceremony ng multipurpose buildings na pinondohan ng partido, sa Pudoc East Elementary School sa Tagudin, Ilocos Sur, at dalawa sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.
Ikinatuwa ng mga guro sa Pudoc East Elementary School ang itatayong pasilidad para sa anila’y mahihirap nilang mga estudyante.
Ayon kay District Supervisor Marites Padiwan, ang party-list ay instrumento para sa kaginhawaan ng mga guro, mag-aaral at mga kawani ng barangay.
Nagpasalamat din sa partido si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga, para sa itatayong covered court na maaaring gawing evacuation center sa Barangay Maugat, at day care at senior citizens’ center sa Barangay Panabingan.
Sinabi naman ni Delos Santos na ang multipurpose buildings ay testamento sa dedikasyon ng kanilang party-list sa mga estudyante at gayundin sa pag-unlad ng mga malalayong lugar.
Mula noong 2019, isinusulong na ng ang Probinsyano Party-List ang infrastructure development kung saan pinondohan nito ang pagpapatayo ng 69 multipurpose buildings/evacuation centers, 23 ospital at opisina, at 189 kalsada at preventive maintenance projects.
Tiniyak ni Delos Santos na ipagpapatuloy nila ang mga proyekto at pagsusulong ng patas na oportunidad sa lahat ng mga probinsyano.