Naninindigan si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na dapat gawing batas ang pagbubuo ng isang Independent Commission tungkol sa mga infrastructure projects.
Nabatid na sinabi ni Rep. Leila De Lima ang pahayag sa gitna ng pagtatag ng Malacañang ng isang Independent Commission for Infrastructure bilang tugon sa mga ma-anomalyang flood control projects.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Rep. De Lima na nabuo lang ang Independent Commission dahil sa bisa ng executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; at ang inihahain sa parehong kapulungan ng Kongreso ay isang komisyon na hiwalay kahit sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.