Nagtagal lang ng 25 minuto ang naging panunumpa at talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isinagawang inagurasyon kahapon.
Kabilang sa naging inaugural speech ni PBBM ang problema sa sektor ng agrikultura bunsod ng pandemiya, edukasyon o pagkakaroon ng vocational skills para sa kinabukasan ng mga kabataan, kakulangan sa suplay ng pagkain at langis bunsod ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Binanggit din ng pangulo ang climate change, pulitika, kawalan ng karapatan at dapat magkakaroon ng benipisyo ang mga nurse at OFWs.
Sinabi din ni Marcos ang self-sufficiency ng bansa o kawalan ng sariling kakayahan na matagal na umanong inaasam ng bawat pilipino na maiprayoridad pero hanggang sa ngayon ay hindi parin ito naihahatid ng mga nakalipas na administrasyon.
Nanawagan din ang pangulo sa sambayanan na magkaroon ng unity o pagtutulungan para sa ika-uunlad ng bansa.
Ayon kay Marcos, wala nang babalikang kalaban sa pulitika at magfofocus ang kaniyang administrasyon sa pagsulong ng Pilipinas.
Iginiit din ni Marcos na nakasisira lamang sa bansa ang sobrang pamumulitika kaya handa siyang pakinggan at tulungan ang taumbayan sa pag-abot ng kanilang pangarap.