Ilang pulis ang nakikipag-ugnayan sa CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para ibunyag ang mga nalalaman sa mga patayang may kaugnayan sa illegal drugs campaign.
Ayon ito kay Lingayen Dagupan Archbishop at CBCP President Socrates Villegas na nagsabing handa rin ang mga nasabing pulis na ibunyag ang kanilang papel sa mga kaso ng extrajudicial killings at summary executions.
Inamin aniya ng mga naturang pulis na nako konsensya sila kaya’t nais na nilang lumantad.
Tiniyak naman ni Villegas na sa pamamagitan ng kanilang Ministry of Mercy ay bibigyan sila ng proteksyon mula sa kapulisan kabilang na ang mga pamilya ng mga magbubunyag na pulis.
Inihayag pa ni Villegas na may nakausap na rin silang independent volunteer lawyers na tutulong sa whistleblowers.
—-