Ipagpapatuloy na ang ilang konstruksyon ng public rail infrastructures sa gitna ng pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinayagan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para umano makahabol pa rin ang bansa sa infrastracture agenda nito.
Ipinabatid ni Transport assistant secretary Goddes Libiran na nasa 13 rail projects ang posibleng magsimula nang muli sa susunod na linggo.
Kabilang na umano rito ang rehabilitation at upgrade ng LRT-1 at LRT-2 kasama ang extension nito hanggang Cavite.
Gayundin ang konstruksyon ng common station ng LRT lines at MRT-3 sa Quezon City.