Ligtas na sa toxic red tide ang ilang coastal waters sa Visayas.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) , kabilang dito ang baybaying dagat ng Daram Island,Maqueda, Cambatutay, Irong-Irong at San Pedro Bays sa Western Samar, Cancabato Bay sa Tacloban, Leyte at Coastal Waters ng Biliran Island.
Gayunman, nananatiling positibo sa red tide toxin ang ilang Coastal Waters sa bansa.
Kabilang dito ang Coastal Waters ng Bataan, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Matarinao Bay at Guiuan sa Eastern Samar, Coastal Waters ng Baroy sa Lanao del Norte, Dumaguillas at Lianga Bay sa Zamboanga del Sur.
Batay sa laboratory result, nakitaan pa rin ng presensiya ng paralytic shellfish poison sa mga lamang dagat doon na mapanganib kainin. —sa panulat ni Hya Ludivico