Hero’s welcome ang naghihintay sa kasalukuyang IBF Super-Flyweight Champion na si Jerwin Ancajas sa pagbabalik bansa nito mula Amerika.
Isang motorcade ang nakatakdang isagawa ngayong umaga sa Magallanes, Cavite kung saan naninirahan ang 26 anyos na kampyon kasama ang asawa nito at dalawang anak.
Magugunitang tinalo ng Pinoy Pretty Boy si Israel Gonzalez ng Mexico sa pamamagitan ng Technical Knockout sa round 10 sa Corpus Christi, Texas, noong linggo.
Ito ang unang laban ni Ancajas sa Estados Unidos at title defense sa labas ng Pilipinas.
Posted by: Robert Eugenio