Nilinaw ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na magkaibang uri ng babala ang wind signals at rainfall warning na ipinalalabas ng ahensya sa tuwing may bagyo.
Ayon kay Administrator Servando, ang wind signals mula 1 hanggang 5 ay tumutukoy lamang sa lakas ng hangin ng bagyo, samantalang ang rainfall warning na color-coded sa yellow, orange, at red ay nakatuon sa dami ng ulan na maaaring magdulot ng baha.
Ipinaliwanag niya na ang yellow warning ay nangangahulugang dapat nang maging alerto ang mga residente, hudyat naman ng paghahanda ang orange warning, at ang red warning naman ay maghahatid ng malubhang pagbaha at kinakailangan nang lumikas.
Dagdag ng opisyal, ang mga signal numbers ay may lead time bago maramdaman ang epekto — 36 hours para sa signal number 1, 24 oras para sa signal number 2, at 18 oras para sa signal number 3.
Ito’y ginagawa ng PAGASA upang magkaroon ng sapat na oras ang publiko para maghanda.




