Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan sa pagkilos para mapigilan ang paglaganap ng African Swine Flu.
Ayon kay Zubiri, dapat ay mas maging maigting ang pagbabantay ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC), National Meat Inspection Service (NMIS), at Airport officials para hindi na lumalala pa ang sitwasyon ng ASF sa bansa.
Nababahala na aniya kasi siya sa paglaganap ng ASF sa bansa. Aniya, higit na apektado ang mga hog raisier, lalo na ang mga backyard grower.
Ani Zubiri, mahalagang maisalba ang hog industry sa bansa lalo’t pang-anim (6th) ang pilipinas sa pinakamalaking Swine industry sa buong mundo.