Mahirap mag-move on mula sa pagkawala ng mahal sa buhay, lalo na ng mga magulang. Kung kaya nga ang isang pamilya na ito sa Japan, itinabi sa loob ng limang taon ang pinakahuling pagkain na iniluto ng kanilang nanay bago ito biglaang pumanaw.
Kung nakain pa ba ng pamilya ang ulan, eto.
Papasok noon sa eskwelahan ang Japanese woman na si Mizuki nang tanungin sila ng kaniyang nanay kung ano ang gusto nilang hapunan para maipagluto sila nito.
Napagkasunduan nila na pork dish ang ipaluto, isang ulam na hindi nila kadalasang kinakain.
Pero nang umuwi ito mula sa eskwelahan, natagpuan na lang ni Mizuki ang kaniyang nanay na nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay, at nang isugod ito sa ospital ay napag-alaman na stroke ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Ang naiwan namang ulam na niluto nito para sa pamilya, iprineserve ni Mizuki at ng kaniyang tatay sa loob ng limang taon.
Pagdating ng 2018, napagdesisyunan ng mag-ama na i-reheat ang ulam, pero bago ‘yan ay sinuri muna ito sa isang laboratory bago ito muling iniluto ng isang chef at sinigurado na mapapanatili pa rin ang original flavors nito at hindi magbabago ang lasa.
Nang tikman ito ni Mizuki, hindi nito naiwasang maluha at sinabing kaparehas na kaparehas nito ang lasa ng luto ng kaniyang nanay.
Ang chef, hindi rin napigilan ang kaniyang sarili na maiyak habang pinapanood ang mag-ama na matikman ang luto ng ilaw ng kanilang tahanan sa huling pagkakataon.
Sa mga kumpleto pa ang pamilya diyan, huwag sayangin ang oras na mayroon kayo kasama ang mga magulang niyo. Dahil sa bilis ng takbo ng oras, hindi niyo mamamalayan na balang araw, isa na lang silang alala.