Tinatawaran ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga magtitinapay na dagdag-presyo sa Pinoy tasty at pandesal.
Kwatro pesos ang hirit na dagdag-presyo ng mga manufacturer ng Pinoy tasty at pandesal pero inihayag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na magkakaroon pa ng negosasyon kung magkano ang increase.
Maaari anyang hatiin ang 4 pesos o isang beses lang na 2 pesos 50 centavos o gawing tres pesos na isang bagsakan sa kondisyong hindi magtataas ng presyo ang mga manufacturer sa loob ng isang taon.
Pero nilinaw ni Castelo na kailangan pang aprubahan ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang hirit na price increase.
Panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte humiling ng dagdag-presyo ang mga panadero dahil sa pagsipa ng presyo ng harina at asukal.