Mahigit 700 pamilya ang lumikas sa mga barangay halls, public schools at covered courts na may modular tents sa Muntinlupa City dahil sa bagyong ‘Tisoy’.
Ayon kay City Mayor Jimmy Fresnedi, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at nagsasagawa ng response strategies, evacuation system, coordination protocol, at pamamahagi ng food items sa mga evacuation centers sa tulong na rin ng city disaster council members.
Matatandaang ipinag-utos ni Fresnedi ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation lalo na sa mga pamilyang naninirahan sa tabi ng Laguna Lake sa Muntinlupa at iba pang flood-prone areas.
Maliban dito, nanawagan din si Fresnedi sa mga ‘Muntinlupenyos’ na maging mapagmatyag at i-monitor ang mga advisories mula sa PAGASA, lokal na pamahalaan at iba pang reliable sources.
Samantala, may mga residente ring inilikas sa ilang lugar sa Quezon City.
Nabatid na 44 na pamilya ang nanatili ng ilang oras sa covered court ng Brgy. Bagong Silangan dahil pa rin sa masamang panahon.