Magpapakalat ang Philippine National Police ng mahigit 31,000 na tauhan sa buong bansa upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng undas.
Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño, itatalaga ang mga pulis sa mga sementeryo, memorial parks, columbaria, at major transport terminals.
Dagdag pa ni Brig. Gen. Tuaño, ide-deploy rin ang halos labindalawang libong tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard, kasama ang halos 30,000 “force multipliers,” kabilang ang mga barangay tanod, radio teams, at volunteers.
Magsisimula ang deployment sa Oktubre a-bente nuebe hanggang Nobyembre a-tres bilang bahagi ng pagtitiyak ng mga otoridad sa seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahon ng undas. – Sa panulat ni John Riz Catala




