Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,000 kaso ng Omicron COVID-19 subvariant na BA.5.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na ang 1,015 BA.5 cases ay nakita sa lahat ng rehiyon maliban sa Zamboanga peninsula at Northern Mindanao.
Sa naturang bilang nasa 883 na ang naka-recover, 84 ang naka-isolate at ang iba naman ay bineberipika pa.
Habang 527 naman dito ang fully vaccinated, 12 ang partially vaccinated at 16 naman ang unvaccinated.
Samantala, nasa 3,012 na ang kabuuang bilang ng BA.5 subvariant sa bansa.