Inaasahang ipagpapatuloy ang mga pagdinig sa confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon.
Ayon sa bagong filing ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, inaasahang itutuloy sa mga susunod na buwan ang pagdinig kahit pa ipinagpaliban ng ICC Pre-Trial Chamber One ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulo noong Setyembre 23.
Ilan sa mga dahilan na tinukoy ng ICC prosecutor para sa pagpapatuloy ng hearing ay redacted o hindi isinama sa public version ng kanyang filing.
Kasunod ito ng tugon ng ICC prosecutor sa paggiit ng depensa ng dating Pangulo na dapat payagan ang interim release nito habang nagpapatuloy ang mga paglilitis dahil sa kanyang medical condition.