Iginagalang ng Office of the President ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa mga batas ng Bangsamoro Transition Authority ukol sa redistricting na naging dahilan upang makansela ang kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections na nakatakda sana sa Oktubre a-trese.
Ayon sa O.P., mahalaga ang desisyong ito upang matiyak na ang halalan sa Bangsamoro ay maisasagawa batay sa matibay na pundasyong legal at konstitusyonal.
Binigyang-diin ng Palasyo na tinututukan nito ang pagpapanatili ng kapayapaan, pagpapatatag ng mga demokratikong institusyon, at pagbibigay-proteksyon sa karapatang pampulitika ng lahat ng mamamayan sa BARMM.
Dagdag pa ng O.P., nakahanda ang administrasyon na magbigay ng buong suporta sa lahat ng mga institusyong nakasaad sa Saligang Batas upang matupad ang demokratikong hangarin ng mga mamamayan ng nabanggit na rehiyon.