Pinagagamit ni DILG Secretary Benhur Abalos sa local government units na naapektuhan ng kalamidad ang halos anim na bilyong pisong assistance para sa kanilang recovery sa ilalim ng Local Government Support Fund Financial Assistance (LGSFFA) bago ang September 30.
Ito ayon kay Abalos ay taun-taong nararanasan ng mga Pilipino ang mga kalamidad at sakuna.
Tiniyak ni Abalos ang patuloy na paghahanap ng paraan ng gobyerno upang masaklolohan ang mga LGU na sinalanta ng kalamidad sa ilalim nga ng LGSFFA.
Pinasisiguro ni Abalos sa mga LGU ang pagpa prioritize sa mga programa at proyektong may kaugnayan sa disaster response, rehabilitation at recovery.