Tinatayang aabot sa isang milyong indibidwal ang inilikas sa Bicol Region dahil sa bagyong Rolly.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Administrator Undersecretary Ricardo Jalad, base sa natanggap nilang ulat mula sa lokal na pamahalaan ng Albay, nasa 174,616 pamilya o 794,000 indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa mga evacuation center.
1,329 pamilya o 6,645 indibidwal naman ang inilikas mula sa Calaguas islands sa Camarines Norte at halos 200,000 na mga katao naman ang nag-evacuate sa Camarines Sur.
Samantala, sa Metro Manila, inilikas narin ang mga residenteng naninirahan sa mga baybaying dagat, tulad ng Manila Bay.