Patay ang isang grade 5 student sa Mariveles, Bataan matapos makaranas ng severe dengue noong October 2016 ilang buwan matapos niyang maturukan ng Dengvaxia.
Ang biktimang si Christine Mae de Guzman na walang history ng dengue ay nakaranas ng matinding sakit ng ulo at fever noong October 11, isinugod sa Bataan General Hospital noong October 14 at namatay noong October 15.
Nakasaad sa death certificate ni De Guzman na Disseminated Intravascular Coagulopathy o blood clot sa maliliit na blood vessels ng katawan at severe dengue ang ikinasawi ng estudyante.
Sumisigaw naman ng katarungan ang magulang ni De Guzman na naniniwalang ang kondisyon nito ay dulot ng pagturok ng Dengvaxia.
Ang nasabing insidente ay ipi prisinta ng VACC sa class suit na nakatakda nitong isampa laban sa mga sangkot sa dengue vaccination program ng DOH.