Umakyat pa sa 34.79 million ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay ito sa pinakahuling tala ng John Hopkins University kung saan mahigit 1.31 milyon na sa nabanggit na bilang ang nasawi.
Nananatili naman ang Estados Unidos bilang bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 matapos makapagtala ng mahigit 7.3 million na kaso.
Pumapalo naman sa higit 209,000 na ang namatay.
Pumapangalawa naman ang India na nakapagtala na ng mahigit 1000,000 pagkasawi mula sa mahigit 6.4 milyong kaso ng COVID-19.
Sinusundan naman ito ng brazil na nakapagtala na ng mahigit 4.8 million na kaso at 145,000 pagkasawi.
Samantala nasa ika 20 puwesto naman ang Pilipinas na mayroon nang mahigit 319,000 kaso ng COVID-19 at 5,600 namatay.