Pumapalo na sa halos 12.4-M ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos umakyat na sa 12,378,854 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo matapos madagdagan ng mahigit 200,000 pang bagong kaso sa nakalipas na magdamag.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mayruong pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa mahigit 3.2-M na.
Ikalawa ang brazil na sinundan ng India, Russia, Peru, Chile, Spain, United Kingdom, Mexico at Iran.
Umakyat naman ang Pilipinas sa pang 34 na bansa sa mundo sa dami ng kaso ng COVID-19.
Samantala umaabot na sa 557,411 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo matapos madagdag ang 5,000 pang bagong nasawi.
Sa amerika pa rin nagmula ang pinakamaraming bilang ng nasawi na nasa halos 136,000.
Nasa 12,000 hanggang 70,000 naman ang death toll sa COVID-19 mula sa Brazil, United Kingdom, Italy, Mexico, France, Spain, India at Iran.
Patuloy namang tumataas ang bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 na ngayo’y nasa mahigit 7.2-M smanatalang na halos 5-M naman ang aktibong kaso.