Nagpatupad na ang mga otoridad sa Northern California ng forced evacuation dahil sa mabilis na pagkalat ng forest fire doon.
Ayon sa California Department of Forestry and Fire Prevention, nagsimula ang sunog sa isang vehicular accident, 121 kilometro sa hilaga ng San Francisco.
Mabilis na kumalat ang apoy, at tinutupok na nito ang mahigit sa 1,600 hektarya ng kagubatan sa loob lamang ng 8 oras at pinangangambahang maabot na nito ang 150 kabahayan at ilan pang istraktura.
By Katrina Valle