Inilatag na ng Department of Health (DOH) ang kanilang surveillance kaugnay sa firecracker-related injuries sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay wala pa namang pumapasok sa system ng kagawaran.
Inilusad ng D.O.H. ang “Ligtas Christmas for Healthy Pilipinas” kung saan kabilang sa kampanya ang iwas-paputok sa pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.
Inirekomenda naman ni Vergeire na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay maliban sa pagpapaputok o paggamit ng firecracker.
Maaari rin anyang lumahok sa community fireworks display o manood na lamang upang maiwasan ang injury ngayong holiday season.—sa panulat ni Drew Nacino