Apektado na rin ng territorial dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea ang mga aktibidad kaugnay ng 40th Anniversary ng Filipino-Chinese Friendship Day bilang selebrasyon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Ito’y makaraang i-atras ng Federation of Filipino-Chinese Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated ang magkasabay na events na bahagi ng komemorasyon ng mga mahalagang milestone.
Ayon kay Filipino-Chinese Chambers of Commerce President Angel Ngu, nais nilang limitahan na lamang ang pagdiriwang sa Araw ng Kasarinlan sa halip na selebrasyon ng Filipino-Chinese Friendship Day dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod kay Pangulong Noynoy Aquino nakatakda sanang dumalo at mag-talumpati sa naturang aktibidad sa PICC sa Pasay City si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua subalit ipinagpaliban, kagabi.
By Drew Nacino