Sinong mag-aakala na sisikat at magiging remarkable ang logo ng isang sikat na production company na ang naging inspirasyon pala ay isang babaeng graphic artist naka-lunch break lang noon sa trabaho.
Kung ano ang production house na ito, eto.
Taong 1992 nang simulang gamitin ng production company na Columbia Pictures ang logo na nakikita pa rin natin sa kanilang mga pelikula hanggang ngayon.
Pero ang logo na ito, mayroon palang interesting na kwento. Narinig niyo na ba na ang babae sa logo ay hindi pala modelo kundi isang graphic artist?
Ayon mismo sa award winning photographer nito na si Kathy Anderson, ang ginawang model ng logo na noo’y 28-anyos na si Jenny Joseph ay isang graphic artist para sa isang dyaryo at naka-lunch break lang ito noong mga oras na gawin nila ang photoshoot.
Isinagawa ang photoshoot sa living room ng bahay ni Anderson sa new orleans, kung saan binihisan si Joseph gamit ang mga tela na ginawang tila isang bistida, habang ang nagsilbi naman nitong torch ay isa lang palang maliit na lamp.
Ang artist naman na si Michael Deas na siyang ikinumisyon ng columbia pictures para gawin ang logo ang nagdala ng mga nasabing props na ginamit ni joseph.
Ang logo, photoshoot, at litrato na ginawa from scratch, made it to the cut. Namangha na lang sina Deas at Anderson nang makita nila sa mga pelikula ng Columbia Pictures ang kanilang artwork.
Bukod sa unexpected success ng logo, sinabi ng model na si Joseph sa isang pahayag na noong panahon na kinuhanan ang litrato ay kadidiskubre niya lang na siya pala ay nagdadalantao.
Ikaw, nagulat ka rin ba nang malaman mo na mayroon palang mas malalim na kwento sa likod ng sikat na logo na ito?