Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na sinusuri nitong mabuti ang bisa at kalidad ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, lahat ng mga tuturukan ng bakuna ay sasalang sa mahigpit na assessment at screening ng mga eksperto.
Sinabi pa ng opisyal na hindi naman siya papayag na ibigay sa tao ang COVID-19 vaccine na ayaw niyang iturok sa kanyang sarili.
Dahil dito, muling nanawagan sa publiko si Domingo na huwag mabahala sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna kontra coronavirus.