Inaasahan na ng pamunuan ng Eternal Gardens sa Cagayan De Oro ang pagdagsa ng mga bisita sa sementeryo ngayong Undas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Amor Leodones, Branch Manager ng Eternal Gardens sa Cagayan De Oro, na kaninang ala-6:00 pa lamang ng umaga ay unti-unti nang dumadami ang mga tao na nais bumisita sa kanilang yumaong mga mahal sa buhay ngayong Undas.
Sinabi pa ni Leodones na bukas ang sementeryo mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Nagbigay naman ng ilang paalaa si Leodones sa mga bibisita sa Eternal Gardens sa Cagayan De Oro.