Binanatan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mambabatas dahil sa sinasabing paninisi ng mga ito sa ehekutibo kaugnay sa umano’y korapsyon at pagkakamali sa budget process.
Sa pahayag na inilabas ni E.S. Bersamin, mariin nilang tinutulutan, kasama ang iba pang miyembro ng gabinete, ang aniya’y pambabaligtad ng Kamara sa sariling korapsyon at pagkakamali nito.
Aniya, hindi kukunsintihin ng mga miyembro ng gabinete ang pag-atake sa integridad at reputasyon ng ehekutibo; gayundin ang pagpapatigil sa proseso ng budget para sa aniya’y “political theatrics” o pampulitikang palabas.
Dagdag pa ni E.S. Bersamin, walang saysay ang imbestigasyon kaugnay sa mga anomalya sa pondo ng bansa kung mismong ang mga pasimuno sa korapsyon ay hindi iimbestigahan.
Dahil dito, mariing hinimok ng Palace official ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na linisin ang kanilang institusyon.




