Usap-usapan ngayon sa social media platforms ang balitang hiwalay na ang artistang si Erika Portunak sa kaniyang boyfriend at basketball player na si Kobe Paras.
Kasunod ito nang pagbura ni Kobe ng mga post sa kaniyang Instagram account at pag-unfollow niya sa kaniyang rumored girlfriend.
Bukod pa dito, burado na rin ang lahat ng mga ipinost na litrato ni Erika kasama si Kobe.
In-unfollow din ni Erika ang basketball player sa kaniya Instagram account na nagresulta sa pagkawindang ng mga netizen.
Matatandaang noong June 15, 2022, namataang magkasama ang dalawa sa isang beach trip sa ibang bansa.